Alam mo nang mali ang mahalin siya, alam mo nang masasaktan ka lang, alam mo nang aasa ka lang sa wala, at alam mo nang kahit kelan ay hindi magiging “kayo”, sige-sige ka pa rin.
Ang bilis mainlove, nahihirapan magmove on, pinaasa lang, friendzoned…
Mga problemang pag-ibig. Minsan hindi mo na alam kung ano ba talaga ang dapat gawin. Hindi ba pwedeng gawin yung tama, at the same time, magiging masaya kayong dalawa? Pero bihira lang ang ganon. Andiyan pa rin yung tinatawag nating “sacrifice”. May masasaktan, may makakasakit.
Sa pag-ibig, uso tanga. Halos lahat dumadaan sa ganito, bago matuto. Nasa sayo nalang kung ano ang gusto mong maging papel nito sa buhay mo: Ang magiging lakas mo, o ang magiging kahinaan mo.
—-